Maisasalba mo pa ba ang relasyon niyo? Paano mo pa siya maibabalik sayo?

Nararamdaman mo na ba na nanlalamig na sayo yung taong mahal mo?

Nararamdaman mo ba na physically present siya pero mentally absent naman kapag magkasama o magkadate kayo? 

Minsan kasi, ang mga tao may pinapagdaanan din yan sa indibidwal nilang buhay na syempre makakaapekto sa relasyon mo, yung mga bagay na may kinalaman sa trabaho, pamilya o may mga pangyayari rin. Kung hindi mo siya bibigyan ng atensyon habang pinagdadaanan nya yung mga yun eh yun ang gagawa ng puwang sa inyong dalawa na syempre, ang bottom line eh maghihiwalay kayong dalawa. Matuto kang magisip ng mga bagong paraan para ipakita mo na mahalaga siya at mahal mo siya. Pilitin mong sabihin o ipaintindi sa kanya na kahit anong mangyari, nasa tabi ka niya. 

Paano kung hindi mo na nasalba ang relasyon at yung mahal mo naging ex mo na? Yung iba kasi, padalos dalos, hindi nila alam na lalong nawawala lang ng gana yung ex nila. 

Nakakainis na pilit mong inaayos yung lahat ng bagay pero siya walang ginagawa. Kaya ang dapat mong gawin, hayaan mong mai-nlove ulit siya sa’yo. Ibalik mo ang mga nabago mong ugali sa mga bagay na nagustuhan niya sa’yo mula nung una pa. Minsan kasi, factor din ang money, palagi mong maiisip kung mabibili mo ba para sa kanya ‘to, mabibili mo ba yan. Kaya intindihin din nung iba yung papasukin nila. Kung walang pera si boyfriend/girlfriend, edi magtiis. 

Pilitin mong..

  • Intindihin siya
  • Wag mo siyang pilitin kung ayaw pa niyang makipag-usap
  • Wag mo siyang haharassin, kung babalik yan, babalik yan
  • Ibigay mo ang lahat ng suporta para maka move on siya o makaya niya
  • Wag mo ipilit ang sarili mo: lalo yan lalayo
  • Wag ka palaging maghabol
At para naman mapabalik siya sayo..

  • Ligawan mo siya ulit
  • Lahat ng pagmamahal ibigay mo
  • Magsakripisyo ka
  • Mahalin mo siya ng buong-buo
Alam naman natin lahat na walang perpektong relasyon, pero ano ba naman yung magkaintindihan kayo dalawa para umayos ang relasyon, hindi mag-break, at walang magiging EX.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s