"Ayaw ko na…"

  •          Kasi nakakapagod na.
  •          Kasi sawa na ako.
  •          Kasi hindi ko na kaya.
  •          Kasi nahihirapan na ko.
  •          Kasi nasasaktan na ko.
  •          Kasi nagbago na.
  •          Kasi wala na ‘yung dating pag-ibig.
‘Yan ang magiging dahilan ko kapag dumating ‘yung araw na masasabi ko sa kanyang “Ayaw ko na…” Lahat ng taong napapagod ring umintindi at lahat ng tao nakukuha ring hindi na magparamdam ng pagmamahal para sa taong ‘yun. Hindi naman nila magagawa ‘yun kung walang dahilan. Kapag nawala ang isang tao sa’yo, wala sa kanya ang dahilan, minsan nasa taong nawalan. Lahat ng tao nararanasan maging komplikado ang relasyon. Pero sana, ‘yung pagiintindi o panguunawa at ang love, ‘yun sana ang hindi magbago o mawala.

I’m not a perfect girlfriend and there’s no such thing as perfect relationship. Alam ko ‘yun at dapat alam nating lahat ‘yun. Hindi naman ako ‘yung tipo ng taong agad-agad sumusuko. Pero kapag wala ng dahilan para ipagpatuloy pa, tinatapos ko na. Noon, “Prince Charming, Mr. Right o ‘yung Knight and Shining Armor” ang hanap ko. Nagbago ‘yun nung dumating siya sa buhay ko, hindi siya perpekto pero lahat ng gagawin niya dapat ‘yung tama. Dapat ‘yung magpapasaya sa’kin. ‘Yung hindi ako makakaramdam ng lungkot. Pero noon rin ‘yun. Ngayon, nagbago na. Na-realize ko, hindi lang talaga kaming dalawa ‘yung tao sa mundo. Mawala man ako, makakahanap pa rin siya at makakatagpo pa rin ako ng lalaking makakaintindi akin. ‘Yung lalaking makakapagsabing, “Mahal kita kahit ganyan ka…” o kaya, “Nakilala kita sa ugaling ‘yan, kaya dapat mamahalin ko rin ‘yang ugali mong ‘yan.” Mang-iwan man ako ng isang bagay ngayon, hindi ko na ‘yun hahawakan pag-sapit ng bukas. 

Alam ko darating ‘yung araw na magkakasakitan tayo at eto na nga ‘yun. Puro lungkot at sakit na lang ang nararamdaman ko. Wala na ‘yung love. Hindi pa nga ata ako ‘yung babaeng para sa’yo. Gustuhin ko man na, “Sana ako na…” pero parang hindi pa rin sapat ang lahat. Pero ‘wag kang mag-alala, kung sasabihin ko man sa’yong ayaw ko na, tama na… Sisiguraduhin ko munang hinding-hindi na talaga kita mahal…

“Love doesn’t need to be perfect, It just needs to be real.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s