Hindi naman kasi itchura ang basehan, pagdating sa love.

Tumpak! Eh ‘di kung hindi ka gaano kagwapo o kaganda, hindi ka na magmamahal o mamahalin? Looks? Lahat tayo meron niyan. Maganda at gwapo ang mga kababaihan at kalalakihan sa mundo. Hindi lang natin maikakaila na ‘yung iba, eh angat talaga. Kaya wala tayong karapatan para sabihan ng hindi maganda ang kapwa natin. Kung magkakaroon ka naman ng karelasyon, syempre gusto mo ‘yung gwapo o maganda. Kasi kapag sinabihan ka ng, “Uy! Ang ganda/gwapo naman ng boyfriend/girlfriend mo.” Para na rin compliment sa’yo ‘yun hindi ba? Pero aanhin mo naman ‘yung gwapo/maganda, kung niloloko ka lang pala at ni katiting na pagmamahal eh wala siya? 

Someone asked me, “Looks or personality?” I answered, “Personality.” Bigla niyang tinanong, “Kahit si *insert name here*?” Bigla akong napatigil at napaisip. Ng masabi kong, “Looks! Kahit sino namang babae gusto ang gwapong boyfriend no.” So yeah, pinili ko ‘yung magandang mukha kesa sa ugali. Oops! Don’t get me wrong. Inisplika ko naman, pero kung hindi man kagwapuhan ang taong mamahalin ko, sana maganda rin ang ugali nito. Sa love kasi, nagmamahal ka sa taong hindi mo inakalang mamahalin mo pala. Tulad na lang sa mag-best friend. Sabihin na nating, hindi siya gwapo. Pero dahil napalapit na siya sa’yo, nahulog na ang loob mo sa kanya. Kaya kung may gusto ka mang tao, kaibiganin mo muna, ‘wag kang magmadali. Darating ang araw, mamahalin ka rin niya. May magandang itchura man siya o wala. Jackpot naman ‘yun kung, gwapo/maganda na siya, maganda pa ugali niya. At syempre, mahal na mahal ka…

Iba pa rin talaga kung personality ang dahilan kung bakit napapahanga ng iba ‘yung isang tao. Kasi wala rin kung maganda nga itchura mo, saksakan namang kapangitan ‘yang panloob na anyo mo. Sabi nga ni Bob Ong, “Sa paglipas ng panahon, ang mga crush ng bayan sa eskwelahan, eh magmumukha ring pandesal. Maniwala ka…” Tama siya, dahil hindi nama panghabang-buhay ang kagandahang mukha na taglay natin. Magbabago rin ‘yan. Pero ang ugali ng tao, hindi. Beauty is only skin deep. And it’s nothing when you get to know the person better.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s