Dear me.

Sorry ha kung hanggang ngayon hindi ka pa din maka get over sa kanya. Alam ko naman na hindi mo ginusto yan eh. Nagmahal ka lang naman eh, at hindi mo expected na masasaktan ka. Pero hayaan mo darating din yung time na makakalimutan mo din yung taong nanakit sayo. Darating din yung time na makakakita ka ng right guy for you, yung mamahalin ka, tatanggapin ka kung ano ka at hindi ka na ulit sasaktan. Alam ko naman na hindi ganon kadali pero darating din yung right time na yun. Basta wait ka lang. Siguro hindi pa sya yung guy na laan para sayo ni Papa God, siguro pahiram lang sya sayo para matuto ka na hindi lahat ng bagay sa mundo ay magtatagal habangbuhay.
Sa ngayon pwede ba bigyan mo naman ng time yung sarili mo? Pwede bang mag focus ka muna sa sarili mo. Mag-ayos ka. Ayusin mo yung sarili mo. Pwede din ba wag ka ng umiyak kung sya naman din yung dahilan? Kasi nonsense lang din naman eh. Umiiyak ka pero yung taong iniiyakan mo hindi ka naman iniiyakan. Masakit isipin pero wala na talaga wag ka ng umasa. Kasi the more umaasa ka mas lalo mong sinasaktan sarili mo. Hindi naman kasi pag mahal mo lahat bigay, lahat paniniwalaan mo. Kasi kadalasan sa mga lalaki ganyan. Papakitaan ka ng maganda tapos sa huli iiwan ka din. Sana sa nangyari naman sayo madala ka na. Sana naman sa ngayon mas mahalin at pahalagahan mo yung sarili mo.
Ito pa, pwede ba kalimutan mo na sya. Hindi sya worth it para sayo. Sinaktan ka nya at pinaasa. So para saan pa para maghintay ka? Malay mo sa kakaganyan mo may dumarating na pinalampas mo kasi sya pa din yung hinihintay mo. Wag mo naman sayangin yung oras mo kakahintay sa walang kwentang tao. Maraming nagmamahal sayo pero hindi mo pinapansin dahil lang sa kanya. Alam ko kaya mo yan. Basta magpakatatag ka lang. Wag na wag kang susuko sa laban. Balang araw makaka move on ka na. At balang araw pag nagkita kayo deadma na lang sya sayo. No hard feeling!!! Wag mo ng ipagsiksikan yung sarili mo kasi ikaw lang nagmumukhang tanga. Tantanan mo na din sya. Move on okay?
Alam ko hindi ganon kadali pero magagawa mo yan kung gugustuhin mo. Wag mong pahirapan sarili mo. Just enjoy your life. Bata ka pa para magmadali sa love. Darating din yan. Basta hintayin mo lang yung time na handa ka na din magmahal. Normal lang naman masaktan kasi nagmahal ka. Pero sa susunod na magmahal ka ulit ng iba dapat alam mo na kung ano yung halaga mo. Wag ka na ulit papayag na saktan at lokohin pa. Pakatatag ka ha? Kaya mo yan. Malaki tiwala ko sayo na malalagpasan mo din lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon, be positive, okay?
Love,
myself.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s